Home HOME BANNER STORY ‘Katiwalian’ sa LTFRB tatalupan ng NBI

‘Katiwalian’ sa LTFRB tatalupan ng NBI

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang napaulat na katiwalian ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, pinakilos na nito ang anti-graft desk ng NBI para magsagawa ng motu propio investigation sa mga ganitong uri ng kaso.

Inatasan na rin ni Secretary Remulla si Justice Undersecretary Dodo Dulay na makipag-ugnayan sa NBI para tutukan ang imbestigasyon ng sinasabing katíwalian sa LTFRB.

Ipapatawag din ng NBI si dating executive assistant ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na si Jeffrey Tumbado kaugnay sa ibinunyag na kurapsyon sa loob ng ahensya na bandang huli ay binawi rin ang pahayag.

Kinumpirma naman ni NBI PIO Chief Nick Suarez na ípinatawag na ng Anti-Graft Division ng bureau si Tumbado patungkol sa kanyang mga isiníwalat. Teresa Tavares

Previous article19 menor sa Socorro ikinasal sa matatandang miyembro ng kulto – DOJ
Next articleM-5.0 lindol yumanig sa Calaca, Batangas