Home NATIONWIDE Kauna-unahan sa Asean: e-Apostille service inilunsad ng DFA

Kauna-unahan sa Asean: e-Apostille service inilunsad ng DFA

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs Office of Consular Affairs (DFA – OCA) na inilunsad nito ang e-Apostille service para sa civil registry documents.

Ayon sa DFA, pahihintulutan ng sistema ang publiko na mag-apply sa online para sa e-documents at e-Apostilles mula Philippine Statistics Agency (PSA) na hindi na kailangang magpakita pa sa dalawang tanggapan.

Sinabi ni DFA Undersecretary Antonio Morales na ang Pilipinas ang kauna-unahan sa Southeast Asia na magpapatupad ng e-Apostille system.

“It is noteworthy to mention that the Philippines was the first country in ASEAN to accede to the Apostille Convention. We have continued our leadership in this area by being the first in ASEAN and the third in the Asia-Pacific region to fully implement the electronic Apostille today,” ayon kay Morales.

Sinabi ng DFA na ang e-Apostille system ay available para sa PSA civil registry documents via PSA Helpline, subalit gagana rin ito sa ibang public documents sa hinaharap.

Samantala, ang payments o pagbabayad ay maaaring gawin sa PSA Helpline page at sa Landbank Link.biz portal.

Sa kasalukuyan, ang serbisyo ay available lamang para sa PSA civil registry documents via PSA Helpline subalit darating din ang panahon na masasakop nito ang ibang public documents sa ‘next phase’ ng implementasyon sa pakikipagtulungan sa ibang ahensiya ng gobyerno na may ‘digital processes at issuance.’

Available naman ang E-payment sa PSA e-certificates via PSA Helpline page habang ang e-payment para sa e-Apostille ay maaaring gawin via Landbank Link.biz portal.

Idinagdag pa ng DFA na mayroong 126 contracting parties sa Apostille Convention na dapat lamang na tumanggap ng e-Apostilles. Kris Jose

Previous articleMga guro, gov’t workers na nangasiwa sa Civil Service exam pinasalamatan
Next article1M pasaherong dadagsa sa NAIA sa Holy Week break pinaghahandaan na