Kaunting bilang ng dumalo sa ika-34 anibersaryo ng EDSA Revolution, sinisi sa COVID-19

Kaunting bilang ng dumalo sa ika-34 anibersaryo ng EDSA Revolution, sinisi sa COVID-19

February 25, 2020 @ 6:30 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), inasahan na ng National Historical Commission of the Philippines ang kakaunting bilang ng mga dumalo sa paggunita sa ika-34 na anibersaryo ng People Power.

Sinabi ni NHCP at EDSA People Power Commission Chairman Rene Escalante na inasahang kakaunti ang dadalo sa programa dahil sa abiso ng Department of Health.

“Our commemoration this year is a little bit downgraded because of the DOH advisory, restricting the gathering of a big number of people,” aniya.

Sa ngayon, hinihimok ng DOH ang publiko na “avoid attending, participating in, and organizing events that would draw a huge number of attendees” upang mapababa ang panganib na mahawa ng virus.

Ang tema ngayong taon ay EDSA 2020: Kapayapaan ng Bayan, Simbulo ng Kalayaang lpinaglaban.

Pinangunahan ni Commissioner Joey Concepcion ang flag raising at wreath laying ceremonies.

Dagdag ni Escalante, nananatiling mahalaga sa mga kabatan ang selebrasyon ng People Power Revolution.

“I think EDSA should always be commemorated. One is the value of pagkakaisa (unity) that we should always support together as a nation and also the fact that EDSA is an example of a revolution that was bloodless,” aniya. Remate News Team|MM/Danny Querubin

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...