Home OPINION KAYQUIT ELEMENTARY SCHOOL TINULUNGAN NG AKRHO INDANG

KAYQUIT ELEMENTARY SCHOOL TINULUNGAN NG AKRHO INDANG

232
0

MULI na namang nagsagawa nang makabuluhang community service ang kapatirang Alpha Kappa Rho (AKRHO / AKP) sa Indang, Cavite sa naganap na Brigada Eskwela sa Kayquit
Elementary School (KES) kamakailan.

Sa pagkilos ng AKRHO – Kappa Upsilon Poblacion Chapter na pinamumunuan ni Grand Skeptron (GS) Jose Rex Del Rosario ay itinalaga niya ang kanyang Vice Grand Skeptron (VGS)
Johnroa Hernandez bilang head ng team sa community service na isinagawa katuwang ang AKRHO – Indang Skeptron Municipal Council.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng Kayquit Elementary School sa kapatirang Alpha Kappa Rho (AKRHO / AKP) ng Indang, Cavite na lagi nilang naaasahan taon-taon kada nagbubukas ang eskwela.

Nakilala na ang Alpha Kappa Rho (AKRHO / AKP) ng Indang, Cavite sa mga pagtugon sa mga community services katulad ng clean up activity sa mga barangay at brigada eskwela sa mga
paaralan.

Mayroong anim na barangay or community chapters ng AKRHO sa Indang na nasa patnubay naman ng Alpha Kappa Rho (AKRHO / AKP) – Indang Skeptron Municipal Council na pinamumunuan naman nina Chairman Cigred Loyd Talingdan at Vice Chairman Billy Jay Sarical.

Sa pangkalahatan at kabuuan, ang kapatirang Alpha Kappa Rho International Fraternity and Sorority Humanitarian Service ay nagdaos ng 50th Founding Golden Anniversary noong Agosto
8, 2023 sa SM Mall of Asia Arena or MOA Arena na dinaluhan ng libo-libong kaanib nito sa pangunguna ng Founding Father (FF) Jose “Bhoy” Chua at mga kasamahan nitong Founding
Fathers ng kapatirang AKRHO / AKP.

Previous articleMAY BAGONG TOP OFFICIALS ANG NWRB
Next articleNO PARKING ZONE SA MAYNILA DAPAT ‘TUKOY’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here