Manila, Philippines – Peace of mind. Mental health.
Ang dalawang ito ang pangunahing dahilan kung bakit ayon mismo kay KC Concepcion ay in-unfollow niya ang kanyang stepdad na si Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie.
Emosyunal ngang nagpaunlak ng panayam si KC sa radio program ni Cristy Fermin.
Bago ang kanyang paliwanag, pinuna ni KC ang karaniwan nang galawan sa showbiz.
Konting kibot lang daw kasi ay malaking balita na.
But as far as she’s concerned, dumarating daw sa buhay ng isang tao that a person needs to unfollow certain people to have peace of mind.
Hindi raw ibig sabihin nito’y may kung anong isyu si KC sa kanyang stepdad at half-sister.
Sadya lang daw masalimuot ang pagkakaroon ng blended family.
Sa katunayan, inisa-isa pa nga ni KC ang lahat ng kanyang mga kapatid on both sides.
Kabilang dito si Garie na anak ng amang si Gabby kay Grace Ibuna.
Ganoon din si Chloe na anak naman ni Gabby kay Jennny Syquia.
Maging sina Sam at Savannah with Gabby’s current partner ay hindi nakaligtaang banggitin ni KC.
Sa side naman ng kanyang inang si Sharon Cuneta, nariyan sina Frankie, Miel at Miguel.
KC claims she loves them all.
Parang for the most part of the interview ay may gustong i-address si KC para kay Sharon.
Sa himig kasi ng emosyonal na pananalita niya, wini-wish niya na ma-realize daw ng kanyang ina na mahal na mahal niya ito.
Umaasa si KC na darating din ang panahong ‘yon.
Giit niya: “Kung kami nga ni Mamita (referring to her grandma Elaine), close na close kami, eh, ‘di how much more kami ng mama (Sharon ko?”
“It’s just that I don’t need to explain kung may fina-follow ako or ina-unfollow. I simply want to protect myself, to have that peace of mind.
Nasa 30s na ako, I should aspire what makes me happy.”
Matatandaang ikinaintriga ang pag-unfollow ni KC kay Kiko after his 60th birthday nitong August 24.
Kasabay ring in-unfollow ni KC si Frankie.
While pina-follow pa rin ni KC si Miel, a quick check with the latter’s social media account revealed na hindi na pina-follow ni Miel ang kanyang ate.
Samantala, naiintriga ngayon si Sharon after heaping praises on one of her daughters na pa-abroad para mag-aral.
Ani Sharon, very good daughter daw ito na bukod sa hindi nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo ay marespeto pa.
Hindi naman siguro si KC ang pinariringgan ng Megastar, ano? Ronnie Carrasco III