Manila, Philippines – Ask KC Concepcion about anything, and expect straight answers.
Hindi lang diretsong sasagutin ni KC ang mga katanungan, asahan ding walang bahid ito ng kasinungalingan o pagtatakip.
In her latest Instagram Story, the sole daughter of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion welcomed questions from the netizens, not necessarily her friends.
Ganoon din ka-brutally frank ang mga tanong as if KC were subjected to a cross-examination.
Inusisa ng netizen ang kalagayan ng dalaga: “Are you pregnant?”
Iniisip kasi ng netizen that KC must be heavy with a child courtesy of her foreigner fiance Mike Wuetrich (na hindi mabigkas-bigkas nang tama ni Sharon).
Sagot ni KC: “No, I’m not and have never been!”
Nangako naman siya na if ever buntis siya’y ipaaalam niya ‘yon sa publiko: “Don’t worry, I’ll let you know!”
Since “Ask me about anything” nga ang tema ng kanyang interaction with the netizens ay sinamantala na ‘yon ng isa pang netizen.
Hirit naman nito: “Sobra naman ang pagkaka-alter ng face mo!”
The netizen was implying na sumailalim si KC sa retoke dahil nabago raw ang mukha nito.
Tugon naman ni KC: “Makeup lang ‘yan!”
For sure, hindi rin alam ni KC kung saan ilulugar ang kanyang sarili.
Pag nag-gain ng timbang, pinaghihinalaang buntis.
Pag may nabago sa mukha, nagparetoke.
Buti na lang, dahil alam niya ang totoo, KC is confident and sure about herself and her answers! Ronnie Carrasco III