Home ENTERTAINMENT KC, may hanash sa makakapartner in life!

KC, may hanash sa makakapartner in life!

Manila, Philippines – Muli na namang pinupulutan ng mga marites si KC Concepcion.

Makahulugan kasi ang cryptic IG post niya tungkol sa matalinong pagpili ng taong makakatuwang sa buhay.

Caption niya: “The man or woman you choose to be your partner affects everything in your life.

Your mental health, your peace of mind, your love inside you, your happiness, how you get through tragedies, your successes, how your children will be raised, and much more. Choose wisely..”

Umani naman sa mga nag-aampalaya ng iba’t-ibang reaksyon ang nasabing post ng aktres.

Kesyo, may nagsasabing awtoridad daw ba ang anak ng Megastar sa pagbibigay ng payo pagdating sa lovelife, to think na, hanggang ngayon ay wala pa rin itong partner at the age of 40.

May mga nagtanggol naman sa aktres na nag-opinyong nagsasalita lang daw ang aktres from experience.

Hirit pa ng iba, ‘pa-woke’ na raw si KC dahil nauntog ito sa kanyang dyowa na nakitaan nito ng red flags kaya nag-break sila.

Ito naman ang samu’t saring sey ng kibitzers.

“Break na nga.”

“Note to self ba yan. Mag-40 ka na girl pero di mo yan ma-apply apply sa sarili mo.”

“She’s applying it to herself kaya nga she doesn’t just settle kahit pa 40 na siya!”

“Girl ipamuhay mo yang quote na yan ok. Bye!”

“She woke up finally.”

“Better late than neva.”

“Nakita na rin ba nya sa wakas ang color red??????????” Archie Liao