Home ENTERTAINMENT KC, proud na masampal ni Juday!

KC, proud na masampal ni Juday!

Manila, Philippines- Sa YouTube channel ni KC Concepcion, ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa shoot ng kanyang Hollywood movie na “Asian Persuasion.”

Aniya, malaking surpresa raw na sa kanya in-offer ang nasabing movie.

Nakapokus na raw siya noon sa pag-aaral ng gemology para palaguin ang kanyang jewelry business nang dumating ang alok sa kanya to do this romantic drama.

So, kinailangan daw niyang lumipad from Los Angeles to New York, USA for the shoot.

Nag-stay daw siya sa isang lugar sa New York na maraming Korean food, cafes, shops at iba pa.

First time rin daw niya na makapagtrabaho sa mga aktor na miyembro ng SAG-AFTRA, isang kapisanan ng industry workers na nirerespeto sa Amerika.

Masaya naman ang kanyang naging karanasan sa pakikipagtrabaho sa Fil-Am actors tulad nina Dante Basco at Paolo Montalban.

Katunayan, siya pa raw ang nagtuturo sa mga ito ng Tagalog.

Parang piyesta rin daw ang kanilang set dahil sagana sila sa Pinoy food.

Proud din siyang ibinida sa mga co-actor na nakatrabaho niya at nasampal siya ng prime superstar na si Judy Ann Santos sa serye nilang “Huwag Ka Lang Mawawala.”

Sey pa niya, sobra rin daw siyang bilib sa pagiging propesyonal ng produksyon sa US.

Katunayan, hindi raw nagre-resume ang kanilang shoot hanggang hindi natatapos ang lunch break ng pinakamaliit na bahagi ng kanilang crew. Archie Liao

Previous articleP16.6M Lotto 6/42 jackpot nasolo ng mananaya!
Next articleVP Sara nagpasalamat sa mga Pinoy sa mataas na survey ratings ng DepEd sa OCTA