Home METRO Kelot, amain tiklo sa P1.2M shabu

Kelot, amain tiklo sa P1.2M shabu

BACOLOD CITY- Nasamsam ng mga pulis ang 180 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon mula sa 19-anyos na lalaki at kanyang amain sa  isang buy-bust operation sa Old Airport runway sa Barangay Singcang-Airport  sa lugar na ito nitong Lunes.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Mark Anthony Sorongon ng Barangay 30 sa lungsod na ito at Anthony Calantas, 31, ng Barangay 29 ng parehong siyudad.

Tinukoy ni Police Capt. Melvin Mercado, pinuno ng Police Station 8, ang mga suspek na high-value individuals.

Si Sorongon ang subject ng operasyon matapos maaresto ang kanyang tiyuhin  dahil sa drug offense.

Ani Mercado, sinusuri nila ang background ng mga suspek kung mayroon na ang mga itong naunang kaso.

Ikinakasa na ang drug charges laban sa kanila na kasalukuyang nakaditene sa Police Station 8.

Ito ang pinakamalaking drug haul ng Bacolod City Police Office (BCPO) mula nang pumasok ang taon. RNT/SA

Previous articleManok, poultry products mula Belgium, France ipinagbawal makapasok sa Pinas
Next articleLoan centers na iniuugnay sa Malasakit Program Office peke – DOH