Home METRO Kelot balik-selda sa ilegal na droga

Kelot balik-selda sa ilegal na droga

213
0

MANILA, Philippines- Balik-selda sa ikatlong pagkakataon ang isang lalaki matapos madamba sa isang buy-bust operation sa Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Quezon City Police District Director Nicolas Torre na naaresto na noong 2016 at 2018 ang suspek na si alyas “Rubin.” 

Batay sa ulat, kamakailan lamang ay bumalik siya sa pagtutulak ng droga dahilan upang magsagawa ng operasyon ang pulisya.

Isang nagpanggap na buyer ang bumili ng 50 gramo ng hinihinalang shabu. Subalit nang magpositibo ang palitan ng pera at droga, nasamsam ang 200 gramo ng ilegal na droga.

Tinatayang nagkakahalaga ito ng P1.3 milyon. 

Batay pa sa imbestigasyon, nagbebenta rinumano ng ilegal na droga ang dalawang kapatid ng suspek.

“May isang kapatid na kalalaya lang, may isang kapatid na nasa loob pa. So namonitor ng tropa na tuloy pa rin sya sa kaniyang gawain so ikinasa yung buy-bust operation,” pahayag ni PBGen. Torre.

Pinabulaanan naman ng suspek na nagbebenta siya ng ilegal na droga.

Kasalukuyang hawak ng QCPD Drug Enforcement Unit ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/SA

Previous articleTauhan ni Ion, sumundo kay Awra sa oblo!
Next articleUltra, Super Lotto jackpot ‘di nasungkit sa July 9 draw  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here