Home METRO Kelot, bebot, tiklo sa bigong pagpatay, droga

Kelot, bebot, tiklo sa bigong pagpatay, droga

MANILA, Philippines – Isang lalaking mangingisda ang sinakote sa Navotas dahil sa bigong pagpatay.

Swak sa hoyo si alyas “Buknoy,” 43, ng Barangay Tangos North, na dinampot sa nasabing barangay, 7:35 pm noong Nobyembre 21.

Samantala, arestado ang isang bebot nang mahulihan ng droga sa lungsod.

Dinakip sa pamamagitan ng warrant si alyas “Bekbek,” 20, ng Longos, Malabon City.

Sinakote ang suspek, na kabilang sa most wanted persons ng siyudad, sa Phase 2, Area 3, ng lungsod, noong Nobyembre 21.

Tangan ang warrant na inisyu ni Judge Cecilia Paranag, ng Regional Trial Court Branch 9, Navotas City na inisyu noong Setyembre 7 ay dinamba ang suspek.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin ni Bekbek. Merly Iral

Previous articleBogus lawyer arestado!
Next articleIsrael-Hamas conflict ‘di na giyera, terorismo na