Home METRO Kelot binaunan ng bala sa ulo habang nasa dyip

Kelot binaunan ng bala sa ulo habang nasa dyip

MANILA, Philippines – NAGTALUNAN ang mga pasahero sa iba’t ibang direksyon ng jeep nang patraydor na binaunan ng bala sa ulo nitong Sabado ng hapon, Enero 27 sa panulukan ng Quezon Boulevard at R. Hidalgo Street, Quiapo, Manila ang isang lalaki.

Tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 anyos ang hindi pa nakikilalang biktima, nasa 5’2 hanggang 5’9 ang taas, balingkinitan ang pangangatawan, fair complexion, nakasuot ng kulay puti at brown maong na short pants at itim na slippers.

Base sa ulat na isinumite ni Det.John Teody Siguen kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 3:10 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa naturang lugar.

Ayon sa tsuper ng pampasaherong jeep, sumakay ang biktima at umupo ito sa likurang bahagi ng sasakyan.

Ilang sandali pa lamang nang makarinig ito ng malakas na putok na inakalang gulong ng kanyang sasakyan kaya ito bumaba hanggang sa makita nito na nagtatalunan na ang ibang pasahero.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Romeo Estabillo Station Commander ng Barbosa Police Station 14 saka kinordon ang lugar at ipinagbigay-alam sa tanggapan ni Captain Turla.

Kasunod ang mga tauhan ng Forensic Unit sa pangunguna ni Police Captain Giovanni Brinquez para makahanap ng mga ibidensiya.

Gayunman, malaki ang paniniwala ng pulisya na konektado sa iligal na droga ang napatay na biktima at hinalang hit man ang bumaril. Rene Crisostomo

Previous articlePagtarget sa 179 RSC, NKTI renovation pinuri ni Bong Go
Next articleState visit ni PBBM sa Vietnam, magdadala ng mas maraming trabaho sa bansa – DTI