Home METRO Kelot dumayb sa Pinsal Falls, dedbol!

Kelot dumayb sa Pinsal Falls, dedbol!

ILOCOS SUR- Patay ang isang lalaki matapos tumalon sa Pinsal Falls sa Brgy. Baballasioan, Sta. Maria ng lalawigang ito.

Nangyari ang insidente bandang 6:05 ng gabi ng Enero 14.

Kinilala ng Sta. Maria Municipal Police Station ang biktima na si Jay Mark Cuaresma y Cortel, 20, walang asawa, residente ng San Manuel, Pangasinan.

Ang biktima at ang mga kasama nito na pawang nakainom ay nagpunta sa Pinsal Falls para maligo.

Mula sa mataas na bahagi ng falls, lumundag umano pababa ang biktima at bumagsak sa tubig.

Sa pagbagsak nito sa ibaba, hindi na nakaahon ang biktima at nalunod.

Bandang 8:01 na ng gabi nang marekober ng mga Ilocos Sur Rescue Team, MDRMO-Sta. Maria personnel, at barangay officials ang biktima.

Isinugod pa ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa Paratong, Narvacan, Ilocos Sur.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

Previous articleP485-M baril, mobility assets idinagdag sa arsenal ng PNP
Next articlePaglipat ng 14 Embo schools mula Makati sa Taguig naging maayos – DepEd