MANILA, Philippines – SINASABING inanod mula sa Caloocan ang isang 42 anyos na binata, makaraang matagpuang lulutang lutang sa Estero de Sunog Apog Pumping Station sa Gagalangin Tondo, Manila Umaga nitong martes.
Kinilala ang biktimang si Ronaldo Nevado, residente ng Grace Park Caloocan City
Base sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 6:30 ng Umaga, nang matagpuan ng isang nangangalakal ng basura sa naturang lugar.
Ayon sa isa sa testigo, habang nakasakay ito sa bangka at nangangalakal ng basura, nang mamataan ang isang bangkay.
Ayon sa pinsan ng biktima na si Danilo Nevado, Lunes ng hapon nang madulas umano ang kanyang pinsan at dahil malakas ang and ng tubing nagtuloy tuloy itong nagpatianod hanggang sa matagpuang wala na itong buhay. Rene Crisostomo