Home METRO Kelot isinelda sa balisong at droga sa Valenzuela

Kelot isinelda sa balisong at droga sa Valenzuela

MANILA, Philippines – SHOOT sa selda ang isang helper matapos mabisto ang dalang shabu makaraang masita ng mga pulis habang nilalaro-laro ang hawak na patalim sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 Commander P/Cpt. Manuel Cristobal ang naarestong suspek na si alyas “Edwin”, 26, ng Urrutia St., Brgy. Malanday.

Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., sinabi ni Cpt. Cristobal na habang nagsasagawa ng police visibility patrol ang kanyang mga tauhan na sina PCpl Fernando Laciste Jr at PCpl Lester Macalintal sa Villa Encarnacion St., Brgy., Malanday nang makita nila ang suspek na nilalaro-laro ang hawak na patalim (balisong) dakong alas-8:55 ng umaga.

Nilapitan nila ang suspek saka pinigilan at nang hanapan ng legalidad hinggil sa pagdadala niya ng nasabing patalim ay wala itong naipakita kaya inaresto siya ng mga pulis.

Bukod sa patalim, nakuha din sa suspek nang kapkapan ang isang itim na coin purse na naglalaman ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,516.

Ayon kay PSSg Carlito Nerit Jr., kasong paglabag sa BP 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Object), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of RA 9165 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. Rene Manahan

Previous article63 probinsya sapul sa El NiƱo – DOST
Next articleP1B jackpot alok sa bagong lottery game ng PCSO