Home NATIONWIDE Kelot kalaboso sa pagpapaibig sa 20 babae, hinuthutan ng P15M

Kelot kalaboso sa pagpapaibig sa 20 babae, hinuthutan ng P15M

MANILA, Philippines – Arestado ang isang indibidwal dahil sa umano’y pagkumbinsi sa nasa 20 babae na umibig sa kanya, mamuhunan ng hanggang P15 milyon saka iniwan.

Sa ulat kinilala ang suspek na si Jeremiah Jaime Vergara na naaresto sa loob ng isang restaurant sa Mandaluyong City ng mga operatiba ng NBI Cybercrime Division.

Kinumpiska ng mga operatiba ang kanyang bag at natuklasan ang ilang bank passbooks, passport, at tatlong sachet ng cocaine.

Ayon sa NBI, gamit ng suspek ang ala-“Tinder-swindler” modus upang makanap ng babaeng bibiktimahin online na edad 30 hanggang 40.

Sinabi ni Atty. Jeremy Lotoc, NBI Cybercrime Division chief, na ang suspek ay madalas na nakikipag-engage sa dating app.

Inaakit ang mga biktima ,pinapa-ibig at nag-aalok ng negosyo sa pamamagitan ng investment.

Sinabi ni Lotoc na dadalhin ng suspek ang pera at maglalaro sa isang casino at kapag natalo ay iiwan nito ang kanyang biktima.

Itinanggi naman ng suspek na kanya ang illegal na droga na natagpuan sa kanyang gamit.

Sa akusasyon na pinapa-ibig niya ang mga babae at kinukumbinsi na magkaroon ng investments saka iniwan pagkatapos ay sinagot kanang nito ng ‘no comment’.

Mahaharap si Vergara ng kasong estafa at pag-iingat ng illegal na droga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCha-cha plebiscite ‘di mangyayari sa 2024, 2025 – Comelec
Next articleKinikita ng social media influencers kaya nang subaybayan ng BIR