Home METRO Kelot na nasilbihan ng search warrant timbog sa shabu sa Muntinlupa

Kelot na nasilbihan ng search warrant timbog sa shabu sa Muntinlupa

MANILA, Philippines- Isang lalaking napagsilbihan ng search warrant ng pulisya ang inaresto matapos makuhanan ito ng shabu sa kanyang posesyon Biyernes ng umaga (Enero 19) sa Muntinlupa City.

Isinilbi ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Muntinlupa City police ang search warrant sa suspek na kinilala lamang sa alyas na Ulo, 36, dakong alas-4 ng umaga sa San Guillermo Street, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nadiskubre sa posesyon ng suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 17 gramo na nagkakahalaga ng P115,600 at isang digital weighing scale.

Ang search warrant na ginamit sa pag-aresto kay alyas Ulo ay inisyu ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Myra Quiambao ng Branch 203 nito lamang Enero 17.

Dinala ang nakumpiskang shabu kay alyas Ulo sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit upang sumailalim sa chemical analysis habang kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Muntinlupa City police ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Illegal possession of prohibited drugs). James I. Catapusan

Previous articleKaragdagang benepisyo sa bagong monthly contribution rate ng PAG-IBIG kasado sa Pebrero 2024
Next articleTaas-presyo sa produktong petrolyo inaasahan sa sunod na linggo