Home METRO Kelot na umakyat sa billboard frame, nasagip

Kelot na umakyat sa billboard frame, nasagip

MANILA, Philippines- Nasagip ng mga awtoridad mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Caloocan City Police Station ang isang lalaki na umakyat umano sa billboard frame sa labas ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) Monumento Station sa Caloocan City nitong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ng BFP na rumesponde ang rescuers sa area upang tulungan ang isang lalaki, na umano’y may sakit sa pag-iisip, upang makababa sa billboard frame dakong alas-7:05 ng umaga.

Sinabi ni Col. Ruben Lacuesta, CCPS chief, nagtungo rin ang police operatives sa lugar upang tumulong sa pagligtas sa lalaki.

Inihayag naman ni Caloocan City Fire Department Fire Superintendent Eugene Briones na nailigtas ng kanilang Special Rescue Force ang lalaki dakong alas-7:50 ng umaga.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Caloocan City Fire Department ang lalaki, ayon kay Lacuesta. RNT/SA

Previous article295 pasado sa licensure exam para sa guidance counselors
Next articleCHR handang makipagtulungan sa ICC sa PH drug war probe