Home METRO Kelot na umiihi tigok sa tuklaw ng kobra

Kelot na umiihi tigok sa tuklaw ng kobra

MANILA, Philippines –  Patay ang 27-anyos na binata sa tuklaw ng kobra sa Paniqui, Tarlac.

Kuwento ng ama ng biktima, kasalukuyang umiihi lang sa labas ng bahay ang biktimang si JR Bungay nang matuklaw ng nakamamatay na ahas.

Nagawa pang dalhin sa opsital si JR pero nasawi rin. Nahuli naman ang kobra na limang talampakan ang haba na isinilid sa sako saka pinatay.

Sabi ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), labag sa batas ang pagpatay sa wildlife animals maliban lang kung nalagay sa alanganing sitwasyon ang nasa paligid nito. Pinaalalahanan ng ahensya na i-surrender sa kanila kapag may nahuling ahas. RNT

Previous articleLolo nahulog sa kanal, dedbol!
Next article#CancelledFlight, Huwebes, Enero 15