Home METRO Kelot na walang ka-date sa V-day todas sa pagpapaliyab sa sarili!

Kelot na walang ka-date sa V-day todas sa pagpapaliyab sa sarili!

BUTUAN CITY- Nagpasyang wakasan ang sariling buhay ng isang lalaki sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili dahil wala na itong ka-date ngayong Valentine’s Day matapos layasan ng kanyang misis, nitong Linggo.

Kinilala ang namatay na si Roldan Cuenca, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Limaha, Butuan City,

Batay sa report ng Butuan City-PNP, nitong Linggo, February 11, 2024 ay naganap ang insidente sa bahay ng biktima at nadamay ang lima pang kabahayan.

Kwento ng 13-anyos na anak ng biktima, inutusan siya ng ama na bumili ng gasolina subalit hindi niya akalain na ibubuhos nito sa kanyang katawan saka sinindihan ng posporo ang sarili.

Mabilis naman siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay bago pa tuluyang tupukin ng apoy ang bahay na gawa sa light materials ganoon din ang limang bahay na nadamay sa sunog.

Nabatid na nalulong umano sa ilegal na droga ang biktima matapos itong layasan ng kanyang misis. Mary Anne Sapico

Previous articleP34M shabu nakumpiska sa Zambo
Next articleE-Games nagbigay ng P58B kita sa gobyerno