Home METRO Kelot na wanted sa child abuse, timbog sa Malabon

Kelot na wanted sa child abuse, timbog sa Malabon

MANILA, Philippines – HINDI na nakapalag ang 38-anyos na tambay na wanted sa kasong Child Abuse nang tiyempuhan ng mga pulis habang papalabas ng kanyang tirahan sa Barangay Tinajeros sa Malabon City.

Kaagad pinosasan siya ng mga tauhan ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/CMS Jessie Rebato si alyas “Jason”, ng No. 80 Caingin St. Brgy. Tinajeros
dakong alas-5:40 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman.

Sa ulat ni P/Maj Jo-Ivan Balberona, Assistant Chief of Police for Operation (ACOPO) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, iniutos na niya sa mga tauhan ng WSS ang paniniktik kay Jason dahil sa inaasahang paglalabas ng hukuman ng arrest warrant laban sa kanya matapos iakyat ng Tagausig sa korte ang kasong paglabag sa Section 10 (A) ng R.A. 7610 na isinampa ng magulang ng menor-de-edad na biktima.

Oktubre 27 ng kasalukuyang taon nang ilabas ni Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Malabon City Family Court Branch 4 ang warrant of arrest kaya’t isinilbi kaagad ito ng pulisya sa akusado.

Ayon kay Col. Baybayan, may pagkakataon pa namang lumayang pansamantala ang tambay na akusado sa oras na makapaglagak siya ng P80,000.00 na piyansa na inirekomenda ng hukuman.

Sinabi pa ni Baybayan na ang mabilis nilang pagdakip sa akusado ay batay na rin sa direktiba ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas sa paigtingin ang kampanya laban sa mga indibidwal na wanted sa batas. Boysan Buenaventura

Previous articleMga daungan sa Cebu nasa ‘heightened alert status’
Next articleSekyu dedo sa kasamahan