Home METRO Kelot na wanted sa rape, arestado sa Caloocan

Kelot na wanted sa rape, arestado sa Caloocan

MANILA, Philippines – SWAK sa rehas na bakal ang isang binata na wanted sa kasong panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Jerald”, 27, company driver at residente ng Brgy. 101 ng lungsod.

Sa report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jansen Ohrelle Tiglao, katulong si P/Major Anthony Co ng hepe ng ARMS.

Naaresto sa operation ang akusado na kabilang sa Rank 9 Top Most Wanted Person ng NPD sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 80, dakong alas-11:40 ng umaga.

Ani Major Tiglao, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant arrest na inisyu ni Caloocan City Family Court Branch 1, Judge Barbara Aleli Hernandez Briones noong November 18, 2021 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ipiniit ang akusado sa detention cell ng WSS sa Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

Previous articlePresyo ng bigas sa Bicol umaabot na ng P75 kada kilo – grupo
Next articleBig-time hike sa presyo ng gasolina, asahan!