Home NATIONWIDE Kelot nag-ala-spiderman sa kable ng kuryente

Kelot nag-ala-spiderman sa kable ng kuryente

MANILA, Philippines – Mahigit 4,000 kabahayan sa Marikina ang nawalan ng kuryente matapos umakyat ang isang lalaki sa isang poste ng utility ng Meralco at nanatili doon ng halos 30 oras.

Bunsod nito ay kinailangang putulin ng Meralco ang suplay ng kuryente sa Barangay Calumpang para hindi makuryente ang lalaki.

Ang mga kalapit na school, mall at negosyo ay kinailangan ding tumigil sa operasyon dahil sa kawalan ng kuryente.

Nagdulot din ng traffic sa kahabaan ng Marcos Highway ang insidente.

Ang kapatid ng lalaki ay dumating sa pinangyarihan bandang 2:00 p.m., na nagbigay daan sa matagumpay na pagliligtas sa 4:15 p.m. Dinala ang lalaki sa malapit na health center para magamot. RNT

Previous articleComelec: Internet voting sa overseas Filipinos ipatutupad sa 2025
Next articleSafe nuclear energy use bill lusot na sa Kamara