MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang lalaki sa loob ng unibersidad sa Sampaloc, Maynila nitong Biyernes.
Kinilala lamang ang biktima na nasa edad 35 hanggang 40, nakasuot ng kumbinasyon na puti at itim na t-shirt, itim na pantalon at nakasapatos.
Sa inisyal na ulat, naglalakad sa loob ng University of the East (UE) campus sa Claro M. Recto Avenue sa Sampaloc nang makarinig ng kalabog sa canopy sa ikalawang palapag ng gusali ang witness na si Melanie.
Agad ipinagbigay alam ni Melanie sa security guard na si Elmarie Fernandez at tinungo ang ikalawang palapag kung saan nila nakita na nakahandusay at duguan ang biktima sa canopy.
Inaalam ngayon ng pulisya kung may kinukumpuni at nahulog ang biktima bago mangyari ang insidente dahil may nakitang ladder sa pinangyarihan ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden