CAUAYAN CITY, ISABELA-Patay sa pamamaril ang isang indibidwal, habang sugatan naman ang isa pa at isang barangay kapitan sa Barangay San Francisco sa Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang Barangay Kapitan na si Joseph Benigno, 53-anyos at residente ng Daburab, Cauayan City, Isabela na re-electionist.
Habang ang kanyang dalawang kasamahan ay sina Marlon Quijano at Elpidio Camungao Jr. na kapwa residente ng Pulong Tagalog sa Barangay San Francisco dito rin sa nasabing lungsod.
Galing sa bayan ng Alicia ang grupo ng barangay kapitan matapos nilang magbenta ng mga inaning palay at habang sila’y pauwi sa kanilang lugar sakay sa dalawang motorsiklo, bigla na lamang pinagbabaril si Quijano at isinunod ang mag-angkas na sina Kapitan at Camungao Jr.
Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa naturang insidente at ayaw makipanayam sa Mamamahayag si PLtCol. Ernesto Nebalasca Jr, hepe ng Cauayan City Police Station dahil malaking dagok umano sa kanyang kakayahan. Rey Velasco