Home METRO Kelot patay sa saksak sa Maynila

Kelot patay sa saksak sa Maynila

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ito sa Baseco Compound, Port Area sa Maynila nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 23.

Ayon kay Chief of Police Lt. Col. Emmanuel Gomez ng MPD Station 13, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek.

“Nag-uusap sila tapos itong suspek parang may kinukuha po sa tao na namatay. So nag-aagawan sila… Nung nag-aagawan po sila, hinahawakan nung suspek yung bulsa, pilit niya pong inaabot ‘yung bulsa ng biktima,” ani Gomez sa panayam ng ABSCBN News.

“Hanggang dumating po ‘yung point na ‘yung suspek bumunot po ng patalim at pinagsasaksak po yung biktima,” dagdag pa niya.

Natukoy ang suspek na isang 33-anyos na residente ng Barangay 649 sa Baseco na mayroon na palang rekord ng mga krimen sa nakaraan.

“‘Yung atin pong suspek marami na pong record dito…dati po nahuli naman yan selling po ng solvent. Na-involve din po sa robbery. He is also known as drug user din po sa area namin,” dagdag ni Gomez.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder. RNT/JGC

Previous articleDive industry nag-ambag ng P73B sa ekonomiya
Next articleWalang tubig sa ilang bahagi ng NCR, Rizal mula February 26 ‘gang March 7