ILOCOS NORTE- Sugatan ang driver samantalang dead-on-arrival sa ospital ang angkas nito matapos bumangga sa sementadong marker ng barangay ang sinasakyang nilang motorsiklo.
Kinilala ng Paoay Municipal Police Station ang driver ng Rusi motorcycle na si Ariel Mark Getten Laud, 33, samantalang ang angkas nito ay nakilalang si Nickson James Getten Laud, 39, may asawa, kapatid ng driver, kapwa residente ng Brgy. 20, Mabaleng, Batac City, Ilocos Norte.
Bandang 3:45 ng hapon kahapon, Mayo 21, ang naturang motorsiklo ay bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa Brgy. Paratong, Paoay, Ilocos Norte.
Advertisement