Home METRO Kelot patay sa sementadong marker

Kelot patay sa sementadong marker

ILOCOS NORTE- Sugatan ang driver samantalang dead-on-arrival sa ospital ang angkas nito matapos bumangga sa sementadong marker ng barangay ang sinasakyang nilang motorsiklo.

Kinilala ng Paoay Municipal Police Station ang driver ng Rusi motorcycle na si Ariel Mark Getten Laud, 33, samantalang ang angkas nito ay nakilalang si Nickson James Getten Laud, 39, may asawa, kapatid ng driver, kapwa residente ng Brgy. 20, Mabaleng, Batac City, Ilocos Norte.

Bandang 3:45 ng hapon kahapon, Mayo 21, ang naturang motorsiklo ay bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa Brgy. Paratong, Paoay, Ilocos Norte.

Pagdating sa pakurbang parte ng kalsada partikular sa may Galpac Bridge, hinihinalang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga ang kanilang motor sa sementadong marker ng naturang barangay.

Ang driver at ang angkas nito ay parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan at parehong dinala sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte.

Gayunman, si Nickson James ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

Previous articleP1.5M shabu narekober sa Laguna
Next articlePublic school database para sa maayos na enrolment processing, ikakasa sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here