Home METRO Kelot pinagtataga ng pamangkin

Kelot pinagtataga ng pamangkin

ILOCOS SUR-Nasa ospital ngayon at ginagamot ang isang 57-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng kanyang pamangkin sa Brgy. San Mariano, Bantay ng lalawigang ito kaningang 12:55 ng madaling araw.

Kinilala ng Bantay Municipal Police Station ang biktima na si Elpidio Cortez y Ortega, 57, may asawa, mangingisda, residente sa naturang lugar.

Nakilala naman ang suspek na si Bonifacio Cortez Jr. y Taculod, 40, may asawa, construction worker, pamangkin at kapitbahay ng biktima.

Ayon sa misis ng biktima na si Norma Cortez y Baccay, ang kanyang mister ay mag-isa umanong umiinom sa kanilang bahay samantalang ang suspek ay umiinom rin sa kanilang bahay.

Biglang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa hanggang sa hamunin ng biktima ang suspek at sigawan ito ng “Patayen ka, bagshaten ka”.

Ikinairita o ikinainis ito ng suspek kaya sumugod ito sa bahay ng biktima at nagpilit na buksan ang pintuan ng bahay.

Binuksan naman ng biktima ang pintuan at saka lumabas ng bahay ngunit hinabol siya ng suspek na may dalang “bolo” o itak.

Makalipas ang ilang sandali, natagpuan ng mga residente ang biktima na nahulog sa isang small cliff.

Nakita nila na may mga hack wounds ito sa likod at sa balikat.

Agad na dinala sa Gabriela Silang General Hospital ang biktima ng mga rumespondeng MDRRMC personnel.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente. Rolando S. Gamoso

Previous articleDOJ byaheng Mindoro para tumulong sa insurance claim ng oil spill victims
Next articleInterest rate ng BSP pinanatili pa rin