Home METRO Kelot sinaksak sa harap ng 3-anyos na anak!

Kelot sinaksak sa harap ng 3-anyos na anak!

MANILA, Philippines- Sa harap mismo ng tatlong taong gulang na anak ay pinagsasaksak ang isang 39-anyos na lalaki ng dating nakaalitan sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Laudener Depano.

Ayon sa pulisya, kasamang naglalakad ng biktima sa kalye ang kanyang anak malapit sa kanilang bahay habang nakaabang na umano ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Brutus.

Napag-alaman na mayroon umanong hindi napagkasunduan si Depano at suspek noon. Bagama’t naayos na nila sa barangay ay hindi mabatid kung ano ang dahilan ng pagkakaroon muli nila ng alitan.

Nagawa pa umanong tumakbo ng biktima pero nadapa kaya nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na undayan ito ng saksak na dalawang beses sa tagiliran.

Matinding trauma naman ang inabot ng bata dahil sa kanyang harapan mismo pinatay ang kanyang ama.

Sa ospital na binawian ng buhay ang biktima habang ginagamot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePBBM sa dating MILF, MNLF fighters na umanib sa PNP: Mga Pilipino, protektahan
Next articleMas mabigat na parusa vs public official na ‘di sumunod sa suspension order, inihirit