PANGASINAN- Patay ang isang 54-anyos na lalaki matapos na mabangga ng isang pick-up sa Brgy. Dilan, Pozorrubio ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Setyembre 10.
Kinilala ng Pozzorubio Municipal Police Station ang pedestrian na si Nilo De Guzman Solis, 54, may asawa, tricycle driver, residente ng naturang lugar.
Nakilala naman ang driver ng brown/metallic copper Nissan Navara Calibre pick-up na si Fedio Lorman Legaspi Molina, 39, walang asawa, real estate agent, residente ng #102 Brgy. Amagbagan, Pozorrubio, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang pick-up ay bumibiyahe sa provincial road sa naturang lugar papuntang hilagang direksyon.
Hindi umano namalayan ng driver ang biglaang pag-swerve ng kanyang sasakyan sa left portion ng kalsada at nabangga nito ang naglalakad na si Solis.
Ang pedestian ay agad na dinala sa Pozorrubio Community Hospital.
Gayunman, ang pedestrian ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.
Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng pick-up. Rolando Gamoso