Home METRO Kelot swak sa P238K shabu sa Taguig

Kelot swak sa P238K shabu sa Taguig

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Taguig City police ang isang 27-taong-gulang na di-umano’y tulak na nakuhanan ng P238,000 halaga ng shabu nitong Biyernes, Enero 26.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) ay nakilala ang suspek sa alyas lamang na Kel.

Sa alyas Kel ay inaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na naganap dakong alas 11:45 ng gabi sa tabi ng isang convenience store na matatagpuan sa Ballecer Extension, Barangay South Signal, Taguig.

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska sa posesyon ng suspek ang 35 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P238,000 at ang P500 buy-bust money na nakapatong sa ibabaw ng ilang piraso ng P1,000 counterfeit money.

Ang nakumpiskang ilegal na droga ay naiturnover na sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa analysis habang si alyas Kel na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. James I. Catapusan

Previous article3 wanted persons nalambat sa Pasay
Next articlePoe sa ‘Pekeng Initiative’ ni Romualdez: Politiko lang makikinabang