Home METRO Kelot tigbak sa huling indak

Kelot tigbak sa huling indak

DUMANJUG, Cebu-TIGBAK ang isang kelot matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay sumasayaw sa covered court, noong Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Josephus Davis Castillo, 29, at taga Barangay Salagmaya, lungsod sa Alcantara.

Batay sa report ng Dumanjug Police Station, bandang 3:00AM ng maganap ang krimen sa gitna ng sayawan sa co­vered court ng Barangay Bitoon, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang sumasayaw ang biktima bigla na lamang lumutang ang suspek at pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa katawan na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran pagdakip./Mary Anne Sapico