Home METRO Kelot tiklo sa ‘extortion’

Kelot tiklo sa ‘extortion’

MANILA, Philippines- Nalambat ang 55-anyos na lalaki sa isang entrapment operation sa Quezon City sa umano’y pangingikil.

Pinagbantaan umano ng suspek ang babaeng biktima na ipo-post niya ang mga pribadong larawan nito sakaling tumangging makipagkita sa kanya, ayon sa ulat nitong Martes.

Rumesponde ang mga miyembro ng Quezon City Police District na nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspek sa isang motel.

Maghahain ng ilang reklamo laban sa suspek.

Wala pang komento ang suspek ukol dito. RNT/SA

Previous articleSitwasyon sa Gaza ikinalungkot ni Pope Francis
Next article4 sugatan sa sumabog na bunton ng paputok!