Home METRO Kelot tiklo sa rape!

Kelot tiklo sa rape!

MANILA, Philippines- Natunton ng mga awtoridad ang 26-anyos na lalaking wanted sa kasong rape, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Operation (SACLEO) sa General Santos City, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Manila Police District – Director ang suspek na si alyas “Jay Ong” ng Cotabato City, residente ng Parañaque City.

Base ulat ng mga pulis, naaresto ang suspek na tinukoy bilang most wanted person, sa Litan Ville Phase 2, Brgy. Sinawal, General Santos City nitong Biyernes, alas-12:35 ng hapon.

Napag-alamang alok ang pabuyang P130,000 para sa ikaaaresto ng suspek.

Dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Moises De Castro, Presiding Judge, Family Court, Branch 10, sa Parañaque City na may petsang October 27, 2022, na walang inirekomendang piyansa. Rene Crisostomo

Previous articlePagsisikap kontra baha pinalakas ng OCD, DPWH
Next articleAbot-kayang gamot para sa mga senior pinaplantsa ng FDA, BIR