Home METRO Kelot timbog sa baril sa search warrant sa Malabon

Kelot timbog sa baril sa search warrant sa Malabon

MANILA, Philippines – KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Rommel”, 43 at residente ng Brgy. Tinajeros.

Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon police na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ang suspek kaya isinailalim nila ito sa validation.

Nang makumpirma na positibo ang report, kagaad nagsagawa ang SIS sa pangunguna ni P/Major Alfredo Agbuya Jr, at Sub-Station 4 sa pamumuno ni P/Major Carlos Cosme Jr ng joint operation sa Interior Sancianco St., Brgy., Catmon dakong alas-5:30 ng hapon sa bisa ng search warrant na inisyu ni Vice Executive Judge Mesael M. Ladaga para sa paglabag sa RA 10591.

Nasamsam ng mga pulis ang isang cal. 38 revolver na may limang bala na naging dahilan upang arestuhin nila ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) and BP 881 (Omnibus Election Code). Boysan Buenaventura

Previous articleTolentino nanguna sa oath taking ng newly elected officials sa Baliwag, Bulacan
Next articleRussia, PH direct flights isinusulong!