Home METRO Kelot timbog sa P122K shabu sa Las Piñas

Kelot timbog sa P122K shabu sa Las Piñas

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang 25-toang-gulang na lalaki matapos makuhanan ito ng P122,400 halaga ng shabu Martes ng madaling araw, Pebrero 27 sa Las Piñas.

Sa report na isinumite ng Las Piñas City police sa Southern Police District (SPD) ay kinilala ang nadakip na suspect sa alyas na Reynaldo.

Ayon sa SPD nadakip ng mga tauhan ng SDEU si alyas Reynaldo sa pagpapatupad ng search warrant sa kanyang bahay sa Barangay Talon Singko dakong alas 2:30 ng madaling araw.

Sinabi ng SPD na ang ipinatupad na search warrant ay inisyu ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Elizabeth Guray ng Branch 202.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng suspect ang 18 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P122,400, dalawang coin purse, at isang cellular phone.

Ang nakumpiskang pinaghiihnalaang shabu ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailaim sa chemical analysis.

Kasalukuyang nakapiit si alyas Reynaldo sa custodial facility ng Las Piñas City police habang naghihintay ng commitment order para sa paglipat ng kanyang piitan sa Las Piñas City jail.

“I commend the Las Piñas City Police Station. This accomplishment is a testament to our relentless pursuit of community safety and the fight against illegal drugs. The collaborative effort with PDEA and the judiciary is crucial in achieving such successes. We remain steadfast in our commitment to ensuring the well-being of the communities within the Southern Police District,” ani SPD director P/Brig. Gen. Mark Pespes. James I. Catapusan

Previous articlePagpasok ng mga baboy, pork products sa NegOcc nilimitahan
Next articleTambay arestado sa granada sa Valenzuela