Home METRO Kelot tinarakan sa masamang tingin

Kelot tinarakan sa masamang tingin

MANILA, Philippines – Dahil umano sa masamang tingin pinagsasaksak ang isang lalaki makaraang mapagdiskitahan habang nakatayo lamang sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Palipatan 3, Dasmariñas City sa Cavite.

Kinilala ang biktima sa alyas lamang na ‘Mario’ na nagawa pang isugod sa ospital subalit namatay din ito dahil sa mga saksak na tinamo sa katawan.

Kinalala naman ang suspek na si alyas John na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat, nakatayo umano ang biktima sa isang sari-sari store sa Phase-1, Paliparan Site, Brgy. Paliparan-3, Dasmariñas City, Cavite nang lapitan siya nang suspek at sinita dahil sa tila masama umanong tingin sa kanya.

Napag-alaman na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ng biktima.

Patuloy naman ang isinagawang follow-up operation ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek. Margie Bautista

Previous articleAll-New Jollibee Crunchy Chicken Sandwich
Next articleRider utas sa Victory Liner