Home METRO Kelot todas sa duyan

Kelot todas sa duyan

ILOCOS SUR- Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos magbigti gamit ang duyan sa bayan ng Sinait ng lalawigang ito kahapon, Marso 13.

Ang biktima ay isang magsasaka, residente sa naturang bayan.

Ayon sa live-in partner nito, ang biktima ay mag-isa umanong umiinom ng alak sa loob ng kanilang kuwarto.

Nang puntahan niya at tignan ito, nakita na lang niyang nakabitin ang biktima at nakapulupot sa leeg nito ang duyan.

Agad nilang dinala ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Nabatid na noong gabi ng Marso 12 ay nagkasagutan ang magdyowa dahil umano sa madalas o palagiang pag-inom ng alak ng biktima. Rolando S. Gamoso

Previous articleReferral system sa human rights victims, binuo ng DOJ at CHR
Next articleFollow-up concert ng Sha-Gab, ‘di na tuloy!