Home METRO Kelot utas kay ‘konsi’

Kelot utas kay ‘konsi’

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 39-anyos na lalaki matapos barilin sa dibdib ng isang barangay kagawad sa Brgy. San Pablo, Sto. Domingo ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Sto. Domingo Municipal Police Station ang suspek na si Honorato Tabusares y Pizarro, 55, may asawa, barangay kagawad, residente ng nabanggit na lugar samantalang kinilala naman ang biktima na si Bryan Pascua y Guzman, 39, may asawa, residente ng Brgy. Labnig, San Juan, Ilocos Sur.

Nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan na sina Jun Tuzon y Tobia at Bonie Patac y Gamiao sa bahay ni Cristina Tuzon y Tajon.

Lumabas umano ng bahay ang biktima para umihi ngunit habang naglalakad siya sa labas ng bahay ay dumating ang suspek, sinunggaban nito ang biktima at binaril ng isang beses sa dibdib.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek pero nahuli rin sa ikinasang hot pursuit operation ng mga intel personnel  ng Sto. Domingo MPS at 1st ISPMFC.

Isinugod naman ng mga concerned citizen ang biktima sa Tolentino Clinic and Hospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para tukuyin kung ano ang motibo sa krimen. Rolando S. Gamoso

Previous articleDiego, flinex ang baby sa socmed!
Next articleAndrea, nagparamdam kay Jakob Poturnak!