Home METRO Kelot utas sa bumaligtad na kurong-kurong

Kelot utas sa bumaligtad na kurong-kurong

ILOCOS SUR- Patay ang isang lalaki matapos na bumaligtad ang minamaneho nitong kurong-kurong sa barangay road ng Brgy. Olo-olo Norte, Santiago ng lalawigang ito kagabi, Disyembre 22.

Kinilala ng Santiago Municipal Police Station ang biktima na si John Vincent Echavarre y Manzano, 27, walang asawa, residente ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon, bumibiyahe papuntang hilagang direksyon ang biktima nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan.

Bumaligtad umano sa kalsada ang kurong-kurong samantalang tumilapon naman ang driver.

Dahil dito, nagtamo ng head injury ang driver na agad isinugod ng kanyang mga kapamilya sa Candon General Hospital sa Candon City, Ilocos Sur.

Gayunman, hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor ang biktima. Rolando S. Gamoso

Previous articleLider ng kidnapping group nagpanggap na NBI agent, patay sa engkwentro
Next articleP250B approvals target ng PEZA sa 2024