Home METRO Kelot utas sa ‘road mishap’

Kelot utas sa ‘road mishap’

ILOCOS SUR- Patay ang isang 33-anyos na lalaki matapos aksidenteng bumangga ang motorsiklo nito sa isang motorsiklo at saka mabangga ng nakasalubong na L300 sa Brgy. San Jose, Narvacan ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Narvacan Municipal Police Station ang driver ng Motorstar motorcycle na si Felipe Abellan Jr y Cabbab, 33, walang asawa, residente ng Brgy. Codoog, Narvacan, Ilocos Sur.

Kinilala naman ang driver ng Honda TMX 125 motorcycle na si Eric Vargas y Abuan, may asawa, residente ng Brgy. Turod ng naturang bayan samantalang ang driver ng Mitsubishi L300 ay kinilalang si Fernando Dulay y Reyes, 51, may asawa, residente ng 59 Banaag Pineda, Pasig City.

Bumibiyahe papuntang hilagang direksyon ang Honda TMX 125 nang banggain umano ito sa likod ng Motorstar motorcycle na mabilis ang takbo at papunta rin ng hilagang direksyon.

Dahil dito, tumilapon ang Motorstar motorcycle sa kabilang lane kaya aksidenteng nabangga ito ng L300.

Nagtamo ng fatal injury ang driver ng Motorstar motorcycle. Agad itong isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan, Ilocos Sur.

Gayunman, ang driver ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

Previous articleGiit ng CCG: BFAR vessel itinaboy sa Scarborough
Next articleJanice, nag-throwback sa pagso-sorry nina Sharon at Gabby!