Home ENTERTAINMENT Ken, nagpabida, sinisisi sa naudlot na serye!

Ken, nagpabida, sinisisi sa naudlot na serye!

284
0

Manila, Philippines- Pinagbigyan ni Ken Chan ang kahilingan ng kanyang mga fans na sana naman daw ay gumawa siya ng BL series or movies.

Ang BL ay short for boys’ love kung saan ang tema’y tungkol sa relasyon ng mga kapwa lalaki.

An actor who agrees to appear in a BL-themed series or films is not necessarily gay.

And because of his fans’ demand ay finally, Ken is set to do an international movie on BL opposite a Thai actor!

Wish ng mga fans ni Ken, sana raw ay kilalang gumaganap na sa mga BL movies ang makakapartner ni Ken.

At siguro naman, hindi kailangang mag-aral ng Thai language si Ken dahil for sure, his lines are in English.

Samantala, basag na basag si Ken sa paninisi sa kanya kung bakit naudlot ang dapat sana’y TV adaptation ng pelikulang Saan Nagtatago ang Pag-ibig.

Advertisement

The movie starred Vilma Santos, Ricky Davao and Tonton Gutierrez, among others.

Supposedly, ang role ni Tonton bilang may diperensya sa pag-iisip ang mapupunta kay Ken.

In the TV adaptation, si Yassi Pressman ang napisil ng GMA na gumanap sa karakter played by Vilma.

Sinisisi si Ken sa pagkaka-shelve ng nasabing TV project dahil nag-umepal daw.

Inunahan pa raw niya ang GMA at Viva Films na nagprodyus ng pelikula sa pag-aanunsyo nang hindi hinintay ang go-signal.

Ending: mas binigyan tuloy ng prayoridad ni Yassi ang TV adaptation ng pelikulang Kurdapya sa TV5.

Ang orihinal na gumanap sa dual role ay si Gloria Romero noong dekada 50. Ronnie Carrasco III

Previous articleGuimba vice mayor umupo bilang bagong mayor
Next article2 teroristang Indiano pinatapon ng Immigration

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here