Home ENTERTAINMENT Kier, may payo kay Dennis!

Kier, may payo kay Dennis!

Manila, Philippines – Sa interview ni Kier Legaspi sa Updated with Nelson Canlas, sinabi niya na nakikisimpatiya siya kay Dennis Padilla sa pangungulila nito sa kanyang mga anak.

Hindi man tinukoy ni Kier kung ano ang pagkakahawig nila ni Dennis, mahihinuhang may kinalaman ito sa dati nilang nakarelasyong si Marjorie Barretto.

Unang nagkarelasyon sina Kier at Marjorie. Nagkaroon sila ng anak na si Dani Barretto.

Sumunod na nakarelasyon at naging asawa ni Marjorie si Dennis. Mayroon silang tatlong anak, sina Julia, Claudia, at Leon.

Pareho sina Kier at Dennis na walang komunikasyon sa kani-kanilang mga anak.

Kaya nga siguro nasabi niya na nakikisimpatiya siya sa komedyante.

Kuwento ni Kier kay Nelson, minsan ay nakipag-ugnayan sa kanya ang anak na si Dani pero hindi na raw ito nasundan pa.

Pero malaki raw ang pagpapasalamat niya kay Dennis na itinuring na parang tunay na anak noon si Dani.

Sabi ni Kier, “Nabanggit ko na rin sa iba kong mga interview na si Dennis, gusto kong pasalamatan ‘yan dahil inalagaan niya at minahal niya si Iren (tawag ni Kier kay Dani), na parang sarili niyang anak and I appreciate that.”

Kasunod nito, nagbigay ng payo si Kier kay Dennis,“ “Wag kang makikinig sa sinasabi ng ibang tao. Pag alam mong tama, pare, bro, gawin mo ‘yang makakabuti sa ‘yo ‘yan. It will give you peace in your mind, in your soul.”

Kung mabibigyan ng chance, gusto rin ni Kier na makausap nang harapan si Dennis, “I think isa ako sa mga taong talagang makaka-relate sa pinagdadaanan niya. May hawig, e, so ako, naiintindihan ko si Dennis.” Rommel Placente

Previous article141 PDLs ng Manila City Jail, pinalaya
Next articleLotto Draw Result as of | December 8, 2023