Home HOME BANNER STORY Kiko, Bam, Chel tatakbong senador sa 2025 – LP

Kiko, Bam, Chel tatakbong senador sa 2025 – LP

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni dating senadora Leila de Lima ang pagtakbo nina dating senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino, kasama ang human rights lawyer na si Chel Diokno sa pagkasenador sa ilalim ng Liberal Party slate para sa 2025 midterm elections.

Si de Lima ang nagsisilbing spokesperson ng Liberal Party.

Sinabi ni De Lima, sa isang mensahe na ipinadala ng kanyang mga tauhan sa INQUIRER.net, na ang tatlong personalidad ay naglalayon na maging kandidato ng oposisyon.

Dagdag pa ni de Lima na tatakbo sa banner ng LP si Pangilinan, na naging running-mate ni dating vice president Leni Robredo sa 2022 presidential polls.

Habang sina Aquino at Diokno, ay hindi miyembro ng LP, ngunit parehong tumakbo sa koalisyon ng oposisyon noong 2019 midterm polls, na tinaguriang ‘Otso Diretso.’

“Oo. Ang 3 ay nagnanais na maging mga kandidato ng oposisyon. Si Sen. Kiko ay tiyak na (isang) kandidato sa LP. Si Sen. Bam at Dean Chel ay hindi opisyal na miyembro ng LP,” paliwanag pa ni de Lima. RNT

Previous article131 pasaway na parak sinibak sa serbisyo
Next articleSearch and retrieval ops sa Maco landslide itinigil na