Home ENTERTAINMENT Kilalanin si Elisia Parmisano at ang kanyang Universe Ticket journey!

Kilalanin si Elisia Parmisano at ang kanyang Universe Ticket journey!

SOUTH KOREA – Naging matunog at usap-usapan lately dito sa Pilipinas ang pangalang Elisia Parmisano partikular na sa mundo ng K-pop.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang journey nang lumahok sa K-pop survival show ng SBS na Universe Ticket.

Noong Miyerkules, Enero 10, ay inanunsyo kasi na ang 14-year old Filipina na si Elisia Parmisano ay ang kauna-unahang miyembro ng upcoming K-pop girl group na bubuuin sa naturang survival show.

Sa naturang show na ‘Universe Ticket’ na unang ipinalabas noong Nobyembre 2023, mayroong 82 babaeng K-pop trainees mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang maglalaban-laban at kukumpleto ng ilang missions para makakuha ng isa sa walong pwesto sa bubuuing girl group.

Karamihan sa mga contestant ay nagmula sa Thailand, Malaysia, Indonesia, Japan, China, Canada, Australia at Pilipinas.

Mayroon pang dalawang Filipina na kasama si Elisia sa naturang kompetisyon, ito ay sina Gehlee Dangca na sinisikap pa ring makakuha ng pwesto sa grupo, at Aya Natsumi na natanggal sa unang bahagi ng kompetisyon.

To explain kung paano tumatakbo ang naturang kompetisyon, ang bawat contestant ay ikinategorya sa limang lebel — P, R, I, S at M, batay sa kanilang performance at fan votes.

(Ilang media outlets dito sa Pilipinas ang nalito rito at inakala na ito ang magiging pangalan ng upcoming girl group.)

Anyway, si Elisia Parmisano ay nagawang makaabot sa “P” Level, ang pinakamataas na lebel ng “Universe Ticket,” dahilan upang siya ang maging unang miyembro ng bubuuing girl group mula sa mga contestant.

Ang ranking ng mga contestant ay nakabatay sa fan votes at mga judge o tinatawag ding Unicorns. Bigatin ang mga Unicorns dahil mga kilala sa industriya ng pag-awit ang mga ito katulad ng actress at singer na si Kim Sejeong, singer-songwriter Younha, Hyoyeon ng Girls Generation, Chaeryeong ng ITZY, Rian ng LaChica at singer-songwriter Adora.

Universe Ticket journey ni Elisia

Si Elisia ay napiling maging bahagi ng recording ng kauna-unahang digital single ng Universe Ticket. Dahil sa kanyang taglay na karisma at “effortless singing” ay nagustuhan siya hindi lamang ng mga Filipino kundi maging ng ibang lahi.

Sa pre-voting phase, una siyang lumapag sa ika-11 na pwesto at nagtuloy-tuloy na sa ika-limang pwesto sa unang Global Ticketing event, matapos siyang mag-perform ng “Selfish” ni YooA sa 1 vs. 1 battle round.

Going back kay Elisia, siya ay naging child actress dito sa Pilipinas at napanood din sa kanyang guest role sa 2019 teleserye ng ABSCBN na “Nang Ngumiti ang Langit.” RNT/JGC

Previous article10 motorista, sasakayan ng senador, kongresista huli sa EDSA bus way
Next articleTop 2 most wanted person ng Malabon, timbog