HAWAII – Sumabog sa ikatlong pagkakataon ngayong taon ang bulkang Kilauea sa Big Island, Hawaii nitong Linggo ng hapon, Setyembre 10.
Ayon sa US Geological Survey, ang lava flow nito ay limitado lamang sa nakapalibot na crater floor ng bulkan.
Sinabi naman ng Hawaii Emergency Management Agency na ang pagsabog, “does not pose a lava threat to communities” bagama’t maaaring magdulot ng hirap sa paghinga ang volcanic particles at gases mula sa bulkan.
Bago ang pagsabog ay naitala ang malakas na pagyanig na sinundan ng “rapid uplift” ng summit, ayon pa sa USGS.
Itinaas naman ng ahensya ang aviation color code sa Kilauea mula orange patungong red, o mula watch patungo sa warning alert sa pagsabog ng bulkan.
Ang Kilauea ang isa sa itinuturing na “most active” volcanoes sa mundo, kung saan noong 2019 ay sumira ang pagsabog nito ng daan-daang tirahan.
Ngayong taon, naitala ang pagsabog ng bulkan noong Enero at Hunyo. RNT/JGC