Home NATIONWIDE Kilos-protesta ikinasa ng labor groups sa Bonifacio Day

Kilos-protesta ikinasa ng labor groups sa Bonifacio Day

MANILA, Philippines- Sa kabila ng paglilipat ng paggunita ng Bonifacio Day sa Nov. 27, sinabi ng labor groups na magsasagawa pa rin sila ng kilo-protesta sa Malacañang sa birth anniversary ng bayaning si Andres Bonifacio sa Nov. 30 upang ilatag ang labor issues.

Inaasahang makikiisa sa kilos-protesta ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Alliance of Genuine Labor Organizations (AGLO), National Confederation of Labor (NCL) at ang All Workers Unity (AWU) sa Huwebes.

Magmamartsa sila sa labas ng Malacañang sa Mendiola saka magtitipon sa Kalaw Avenue.

“Masama ang loob natin kasi binago ng Malacañang ang ika-160 (taon) na kaarawan ni Andres Bonifacio,” pahayag ni AGLO General Secretary Ed Laurencio.

“Hindi tayo papayag na si Bongbong Marcos ay balahurain nya yung araw ni Andres Bonifacio,” ayon naman kay Luke Espiritu ng BMP. “Kaya dalawa ang mobilisasyon ng mga grupo ng manggagawa, ngayong (Nov.) 27 at meron sa Nov. 30.”

Sinabi ng mga grupo na patuloy nilang ipapanawagan ang karagdagang take-home pay, family living wage, at muling pagtatatag ng national minimum wage.

Ayon sa kanila, ang laban ni Bonifacio ay para sa working claslaban sa anila ay mapanupil na batas, kontraktwalisasyon, mababang sahod, at mataas na presyo ng bilihin.

“Mahalaga na itaas ang sahod ng lahat ng manggagawang Pilipino regardless kung siya ay kontraktwal o regular,” giit ni KMU Secretary General Jerome Adonis. RNT/SA

Previous articleBFP personnel timbog sa pangingikil
Next article7 presong sangkot sa De Lima drug case nagpapalipat muli sa NBP