
MANILA, Philippines – Pinatigil ng awtoridad ang isinagawang kilos-protesta ng pederasyon ng mga grupo ng pampublikong sasakyan na PISTON.
Ito ay dahil “denied” umano ang permit ng mga ito para makapag-rally.
Ang nasabing mabilisang rally ay ikinasa ng PISTON sa EDSA-Caloocan para kondenahin ang panibagong big time oil price increase na ikinasa nitong Martes.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P2.00 sa kada litro ng kanilang gasolina at kerosene habang, P2.50 naman sa kada litro ng diesel.
