Home ENTERTAINMENT Kim, aminadong naloko sa pag-ibig!

Kim, aminadong naloko sa pag-ibig!

Manila, Philippines- Hanggang sa pagkakaroon ng Covid ay “compatible” ang bagong rumored pair na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa dinami-dami kasi ng puwedeng mahawahan nito’y sila pa, at magkasabay pa, ha?

Iniuugnay nga ang dalawa either while during their series Linlang or after wrapping up work.

Bale ba, tila may semblance of truth ang “something” sa kanila in terms ng kinahinatnan ng kanilang respective lovelives.

Break na kasi si Kim from her boyfriend of 12 years na si Xian Lim.

Maugong din ang balitang bagama’t hindi pa umaanin sina Paulo at Janine Gutierrez ay break na rin daw sila.

To top it all, there’s likelihood na posibleng may mag-blossom between Kim and Paulo as they’re together anew via What’s Wrong With Secretary Kim?

Dahil sabay tinamaan ng Covid, nagkasya na lang ang press na makausap sila via Zoom para sa tagumpay ng Linlang.

Hindi naman kataka-takang magka-Covid sila nang sabay as they were working on their new series together.

Napag-usapan nga ang tungkol sa naranasan nilang “panlilinlang” sa pag-ibig in real life.

Aminado si Kim na: “Lahat naman tayo, eh, naloko. But that’s part of life. That’s part of growth!”

Obyus na tanggap ni Kim whatever happened to her 12-year relationship with Xian na nauwi rin sa wala.

Dagdag niya: “We just have to embrace the pain and learn from it!”

No, hindi naman daw na-traumatize si Kim from the breakup.

In fact, she’s ready to fall in love again.

Agad-agad?

Sagot ni Kim: “Maybe in a few months!”

If Kim gamely answered questions na may kaugnayan sa pag-ibig, exact opposite naman ang “aura” ni Xian na halatang evasive sa topic.

Ronnie Carrasco III

Previous articleMaritime issues tatalakayin ni PBBM at Vietnamese leaders
Next articleDeath toll sa shear line, 18 na – NDRRMC